Ikaw, ako, tayong lahat ay may kanya-kanyang tinatahak na buhay. At tanging tayo rin lamang ang may hawak ng susi patungo sa ating ninanais na marating sa buhay. Bagama't minsan mapagbiro ang tadhana at sinusubok ang ating kakayahan sa bawat pagkakataon. Pero sa kabila noon, kailangan maging matatag tayo na harapin ang bawat hamon sa buhay. Kaya gamitin natin ang ating puso't isipan sa pagdedesisyon sa buhay at handang makipagsapalaran para sa ikakaunlad natin bilang isang indibidwal.
" Hindi masamang mangarap! ", ito'y parte ng ating paglalakbay. Pero bakit tila may humahadlang sa atin sa pag-abot nito. At kadalasan isa na itong dahilan, kailangang punan muna ang mga pangunahing pangangailangan kaya ang mga pangarap naisasantabi. At ang isa pa ay ang mga taong nakapaligid sa atin. Sinasabi nila na wag naman napakataas ng pangarap baka daw di makayang abutin. Di ba libre namang mangarap, basta sa sarili mo alam mong kaya mo at hindi sila ang tanging makakapagpaurong sa iyong gustong tahakin sa buhay. Siguro wala lang sila magawa sa buhay kaya pati sarili mong pangarap nanghihimasok sila para lang pasukuin ka. Basta may tiwala ka sa sarili, tiyak lahat ng gusto mo mangyayari. Natutuwa pa rin ako dahil meron pa rin naman na mga taong hindi nawawalan ng pag-asa na matupad ang minimithing mga pangarap at ipinagmamalaki kong isa na ako rito. Ilan sa ating mga pangarap ay magandang kinabukasan ng ating pamilya, mga kaibigan at higit sa lahat ang ating sariling tagumpay na ang naging daan ay ang ating mga karanasan sa buhay. Mahirap man ang mga pinagdaanan, pero ang mga iyon naman ang nagsilbing tulay para mahulma ang ating pagkatao at masabing, Ang Paglalakbay ay isang Kwento ng Tagumpay.
tama ang galing, okey lang naman mahusgahan parte na yan ng buhay, at pag pinatulan mo lalo lang iisipan ng iba wala kayong pinagkaiba, higit sa lahat pag pinatulan mo ang taong ganun iisipin niya na siyay may katwiran at okey lang yun mag fokus nalan sa pag aaral at ipakita sa kanyang nag kamali siya ng pag kakakilala sayo
TumugonBurahinhindi naman nga masama ang mangarap. basta't alam mo sa sarili mo na kaya mo at gusto mo ito matupad. kailangan natin gumawa ng mga bagay na makakatulong para matupad ang lahat ng pangarap natin sa buhay. Tiwala lang, lakas ng loob at pananalig sa diyos ang ating kailangan para matupad natin ang mga pangarap natin sa buhay
TumugonBurahinlahat ng tao ay may mga pangarap ito man ay masyadong mataas, ang pangarap ay ating gabay upang makamit natin ang ating mga mithiis sa ating mga hinaharap.
TumugonBurahinisang libreng bagay sa mundo ang mangarap ngunit mas maganda kung matutupad ntin ito sa sipag, tiyaga, at tiwala sa Diyos at sarili,, nice one cathlyn :))))))
TumugonBurahinpangarap lang natin ang tangi nating panghahawakan para magtagumpay :)
TumugonBurahintama! libre lang ang mangarap pero kaylangang magsumikap upang makamit ang mga ito :)
TumugonBurahinTOTO® Stainless Steel Batteries – TOTO® Stainless Steel Products
TumugonBurahinTOTO® Stainless titanium belt buckle Steel Batteries. Designed for corrosion resistant solid stainless steel, with titanium curling wand two main modes titanium (iv) oxide to conduct a continuous stream of titanium welding corrosion resistance. babyliss pro nano titanium curling iron